The following blog will be in Tagalog just to express my thoughts more freely.
Background:
maid1 – the best maid ever who went home to get married; couldn’t go back work for us because she’s now 3 months preggy
maid2 – yaya2′s stepmother who went home because her husband misses her so much
maid3 – maid2′s sister; yaya2′s aunt
yaya1 – maid1′s and yaya2′s friend who left for a “better” job but is now coming back because the job turned out to be not “better” at all
yaya2 – maid1′s cousin; ang bida sa istorya natin ngayon
Disclaimer: they were hired two at a time, ok? Not all at the same time.
Alam ko para akong sirang plaka kakasabi na ayoko na sa yayang ito. Pero hindi ko mapigilan sarili ko i-blog kasi naiinis ako sa ginawa nya. Mga dalawang linggo na ang nakakaraan, nagpaalam sya uuwi sya ng May 31 pero babalik uli ng June 15. Gusto daw nya makapiling mga anak nya sa kaarawan nito.
Naisip ko pagkakataon ko na para masisante sya kaya sabi ko kailangan ko ng yaya agad. Mabuti din na gusto na nung dating yaya (yaya1) bumalik sa amin.
Kahit ba inis na inis ako kay yaya2, naawa pa din ako. May 2 syang anak na maliit sa probinsya. Kaya sabi ko wag na nyang bayaran yung pinamasahe nya kahit pa wala pa syang 1 taon namamasukan sa min (yun kasi ang usapan namin). Sinwelduhan ko sya ng tinrabaho nya ng May 19-31.
Binigyan ko din sya ng schoolbag para sa panganay nyang anak na lalaki. Mag aaral na kasi. Binigay ko na din sa kanya mga kinalakihang damit ni Mikee para naman sa bunsong anak na babae.
Eto na ang kwento. Nagtext sa kin si maid1 tinatanong kung nasan na si yaya2. Gusto nyang singilin sa cellphone na binili ni yaya2 from maid1 na ndi pa nababayaran. Sabi ko wala na sa amin si yaya2, umuwi na nung linggo pa.
Nagulat ako nung sabi ni maid1 na hindi naman umuwi si yaya2 dun sa probinsya nila. Ako naman eh tinanong ko na si maid3 na namamasukan pa din sa min ngayon kung anong nangyari. Wala din syang ideya. HInatid naman daw nya sa sakayan ng bus.
Tinawagan ako ni maid2 nung gabing yun, nagtatanong tungkol sa kanyang anak (stepdaughter). Mukang nakarating na sa kanya ang balitang umalis sa amin. Sabi ko wala sa amin si Inday. Kinausap nya ang kapatid nya, maid3.
Clueless ako. Naisip ko bahala na sya sa buhay nya.
Kaninang umaga, tumawag si maid2 kay maid3 sinabing nakahanap na daw si yaya2 ng bagong trabaho. Tumaas ang kilay ko. Aba! Ayaw nya sa amin? Ang sarap ng buhay nya! Eh halos ako ang nag aalaga sa anak ko!
Nalaman ko din na tuwing inuutusan namin si yaya2 eh naiinis sya. Ah ganun? HINDI SYA DAPAT MAMASUKAN KUNG AYAW NYANG MAUTUSAN!!!
Hindi din naman natiis ni yaya2 at tinawagan din nya si maid3. Ang kwento daw eh sumama sa bf nya, at hindi totoong may trabaho na sya. (Wait, ibang bf ha, as in hindi yung tatay ng mga anak nya. Imagine, pinagpalit ang kaarawan ng anak nya sa new bf nya!) Nakatira sila ngayon sa isang kwarto kasama ang 3 pang lalaki. Lima sila sa kwarto na walang TV. Electric fan lang. So good luck naman sa boredom.
Naiinip daw sya sa gabi, panggabi kasi yung bf nya. So lumalabas sya sa gabi. Ang pagkain daw nya eh tinapay. Sosyal di ba? bread instead of rice.
Hmm, eh pano pag sinumpong sya ng epilepsy sa kalye? Sumusumpong pa naman yun pag gutom sya or puyat.
Maawa ka ba sa isang taong ayaw magpatulong, at galit sa mga taong gustong tumulong sa kanya? I don’t think so. Isa lang masasabi ko BUTI NGA!